
Hinimok ni US President Donald Trump ang lahat ng bansang miyembro ng International Criminal Court o ICC na agarang umalis sa international tribunal.
Sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly, tinawag ni Trump ang ICC na isang “out of control institution” at iginiit na hindi papayagan ng Estados Unidos na mapasailalim sa umano’y “show trials” ang mga sundalong Amerikano.
Nanindigan din si Trump na isang anti-American tribunal ang ICC at diretsahang hinikayat ang mga miyembrong bansa na magbitiw sa organisasyon.
Ang panawagan ay kasunod ng mga hakbang ng administrasyong Trump laban sa ICC, kabilang ang planong malawakang sanctions laban sa buong korte.










