Tinitingnan ng United States ang posibleng papel ng Pilipinas sa planong “economic security zone” sa New Clark City bilang bahagi ng pagpapalakas ng global supply chains para sa emerging technologies gaya ng artificial intelligence.

Ayon kay Jacob Helberg, layunin ng proyekto na pagsamahin ang “predictability at certainty” ng batas ng Amerika at ang mabilis na manufacturing capability ng Asya.

Sinabi ni Helberg na mahalaga ang hakbang habang naghahanap ang mga US firms ng mas maaasahang supply chains para sa critical components na ginagamit sa AI at advanced manufacturing.

Kasunod ito ng paglipat ng ilang global companies upang mabawasan ang pagdepende sa iilang supply chain hubs sa mundo.