Tinawag na fake news ni Brgy. Chairman Carlito Condoy ng Caritan Norte, Tuguegarao City ang kumalat na sensitibong video sa social media ng pagpapakamatay ng isang babae na nangyari umano sa isang hotel sa naturang Brgy.
Ayon kay Condoy, walang katotohanan ang naturang balita bagamat nangyari aniya ang pagpapakamatay sa Maynila at hindi sa kanyang nasasakupang lugar.
Inihayag ni Condoy na maaaring makasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news.
Nanawagan din ito sa publiko na huwag agad maniwala sa mga balitang lumalabas sa social media.