Bumisita si Vice President Sara Duterte kina Senador Jinggoy Estrada, Senador Rodante Marcoleta, at dating kongresista Mike Defensor sa Quezon City Jail sa Payatas nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, nakipag-usap si Duterte sa tatlo at nanatili sa kulungan nang halos tatlong oras bago umalis pasado alas-3 ng hapon.

Si Estrada ay nakakulong dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y flood control scam.

Si Marcoleta naman ay nahaharap sa plunder case matapos umaming tumanggap ng campaign funds noong panahon ng 2025 elections na hindi umano nailahad sa kanyang statement of contributions and expenditures.

Si Defensor, dating mambabatas, ay inaakusahan naman ng pagbibigay ng bahagi ng nasabing halaga kay Marcoleta.

-- ADVERTISEMENT --