
Nakikipag-ugnayan ang Vice President Sara Duterte sa isang women-led community organization sa Zamboanga del Sur kaugnay ng posibleng pagbibigay ng livelihood assistance mula sa Office of the Vice President o OVP.
Sa isang social media post, sinabi ni Vice President Sara Duterte na nakipagpulong siya sa ilang miyembro ng grupong Makabagong Ina at Kababaihan Tungo sa Asenso o MIKA nang bumisita siya sa Pagadian City noong Marso.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, tinalakay sa pagpupulong ang mga posibleng paraan kung paano makatutulong ang OVP sa grupo at sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan.
Bagama’t wala pang detalyeng inilalabas hinggil sa partikular na ayuda na ibibigay, binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga grassroots organizations.
Ang MIKA ay isang community-based organization na binubuo ng mga ina at kababaihan na naglalayong palakasin ang women empowerment sa pamamagitan ng livelihood opportunities at aktibong partisipasyon sa komunidad.
Binanggit din ni Vice President Sara Duterte na ang chapter ng MIKA sa San Pedro ang kauna-unahang benepisyaryo ng programang “Mag Negosyo Ta ‘Day” ng OVP na nagbibigay suporta sa maliliit na kabuhayan.










