
Tiniyak ng kampo ni Vice Pres. Sara Duterte na handa silang makipagtulungan sa Senado, oras na matuloy ang impeachment trial laban sa bise.
Ayon kay Atty. Michael Poa, haharap sa mismong trial si VP Sara kung kailangan at kapag ipatawag siya sa paglilitis.
Nakatakda pa lang pagbotohan sa Kamara kung uusad sa plenaryo ang consolidated na impeachment complaint laban sa bise presidente sa susunod na linggo.










