
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga bagong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 2026 na maging huwaran ng tapang, integridad, at katapatan sa paglilingkod sa bayan.
Sa kanyang video message nitong Sabado, binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng paninindigan sa soberanya at kalayaan ng bansa sa gitna ng iba’t ibang hamon.
Ayon sa Bise Presidente, ang pagtatapos ng PMA cadets ay bunga ng kanilang sakripisyo, disiplina, at matibay na dedikasyon sa tungkulin.
Hinimok din niya ang mga graduate na gamitin nang maayos ang mga aral at pagpapahalagang itinuro sa kanila ng PMA sa kanilang magiging serbisyo sa bansa.










