
Kinumpirma ng Malacañang na ligtas ang lahat ng mga Pilipinong tripulante na sakay ng dalawang barkong inatake kamakailan sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, batay sa ulat ng Department of Migrant Workers, walang nasaktan sa 21 Filipino crew ng container ship na MV Ever Lovely, kabilang ang kapitan.
Nanatiling ligtas at seaworthy ang barko at ipinagpatuloy nito ang biyahe patungong Singapore.
Wala ring naiulat na nasaktan sa 19 na Pilipinong tripulante na sakay ng oil tanker na MV Kiku, na naapektuhan din ng pag-atake.
Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga barko at kanilang mga tripulante.
Sa pinakahuling datos, nasa 2,100 Pilipinong seafarers na sakay ng 85 barko ang nakalabas na sa Strait of Hormuz, habang nasa 3,800 pang Pilipino ang nananatili sa mga sasakyang pandagat sa Persian Gulf.










