Wala umanong dapat na ikabahala ukol sa posibilidad ng pagtama ng tsunami sa bansa.Balitang Pilipinas

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng magnitude 7.4 na lindol sa silangang baybayin ng Honshu, Japan kaninang alas-3:52 ng hapon.

Ayon sa ulat, may lalim na 10 kilometro ang lindol.

Tiniyak ng PHIVOLCS na walang banta ng pagtaas ng alon sa Pilipinas matapos ang naturang pagyanig.