TUGUEGARAO CITY-Nasa sampung pamilya ang tumanggap ng sari-sari store package mula sa livelihood program ng Department Of Trade and Industry (DTI)-Cagayan kasama ang Local government Unit (LGU)-Tuguegarao.

Layon nitong tulungan ang mga mahihirap na pamilya sa lungsod lalo na ngayong panahon ng krisis na dulot ng covid-19.

Ang livelihood program ng DTI kasama ang iba’t-ibang LGU ay taon-taon isinasagawa kung saan sila’y nagbibigay ng tulong sa mga napipiling benipisaryo.

Kaugnay nito, umaasa ang nasabing ahensiya maging ang pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao na mapapalago ng mga benepisaryo ang kanilang negosyo.