Hinuli ang 11 Chinese nationals na sangkot umano sa illegal construction ng mineral processing plant sa Camarines Norte kaninang umaga.
Kinilala ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sina Liu Wei Xi, Chen Gui Hua, Chang Si Ci, Chen Chan Xia, Liu Wei Mang, Yu Yun Lai, Zhen Zi Yu, Li Chun, Jiu Zhong Ren, Lou Peng, at Sheng Yuan Fan.
Ang operasyon ay isinagawa ng joint elements ng PAOCC at Bureau of Immigration sa Barangay Tugos, Paracale.
Ayon sa PAOCC, iniimbestigahan na ang mga nasabing Chinese ng mga otoridad sa Oco Mineral Processing Plant.