
Patay ang isang 17-anyos na babae at ang kanyang anim na buwang sanggol matapos silang pagtatagain sa Barangay Talogoy, Malita, Davao Occidental.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay ang live-in partner mismo ng babae.
Nadiskubre ang mga labi ng mag-ina na naaagnas na at posibleng pinatay sila tatlong araw na ang nakalipas.
May nakitang mga taga sa kanilang ulo at leeg ang mag-ina.
Nakita din ng mga awtoridad ang bolo na ginamit sa pagpatay.
-- ADVERTISEMENT --
Isa sa iniimbestigahan na motibo sa pananaga ay selos.
Una rito, humarap ang suspek at ang babae sa kanilang barangay dahil sa isang away sa pamilya noong April 15, 2025.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.