Ibinaba ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert status ang kanilang antas ng pagbabantay matapos ang tensyon at putukan sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa PNP, epektibo ang pagbababa ng alert level simula 5 p.m. ng Mayo 14, 2026, base sa kanilang patuloy na pagtatasa sa sitwasyon ng seguridad sa bansa.

Giit ng pulisya, nananatili pa rin ang kanilang kahandaan at pagpapatupad ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.

Matatandaang inilagay sa full alert status ang PNP noong kasagsagan ng insidente sa Senado, kung saan nakarinig ng mga putok ng baril sa loob ng gusali.