
Inspeksiyon ang ginawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Pampanga Provincial Hospital-Clark (PPHC), ang unang pampublikong ospital sa Clark Freeport Zone.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang tatlong-palapag na pasilidad ay may 143 bed capacity at inaasahang magseserbisyo sa mga residente ng Pampanga at libo-libong manggagawa at investors sa Clark.
Inaasahan ding makapagbibigay ito ng humigit-kumulang 400 trabaho kapag fully operational na.
Layunin ng proyekto na palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa lumalawak na economic zone sa rehiyon.









