Nakalabas na sa pagamutan ang ilan sa mga pasahero ng jeep na bumaligtad sa Lubuagan, Kalinga.

Ayon kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, nagkaroon ng aberya ang pampasaherong jeep nang makarating sa pababang bahagi ng kalsada sa Sitio Balangabang, Brgy Dangoy.

Galing aniya ang jeep sa Uma, Lubuagan at patungong Tabuk City lulan ang 17 pasahero nito nang nawalan ito ng preno dahilan upang mawalan ng kontrol ang drayber at bumaliktad ito.

Sampu sa mga pasahero nito ang dinala sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City habang ang pitong iba pa ay dinala sa Kalinga district hospital na pawang nagtamo ng mga minor injuries.