Kinumpirma ng Police Regional Office 9 (PRO9) na nagkaroon ng shooting incident sa isang pribadong paaralan sa Zamboanga City dakong 7:50 ng umaga ngayong araw.

Ayon kay PRO9 PIO Maj. Shellamie Chang, may dalawang biktima sa nasabing pamamaril na kapwa estudyante sa nasabing paaralan, ngunit sa ngayon ay hindi pa masabi ang kanilang status dahil kasalukuyan pa rin nasa lugar ang pulisya para alamin ang tunay na nangyari.

Sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang suspek sa nasabing insidente at hinihintay pa ang progress report sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng pulisya, sa inisyal na impormasyon, naganap ang nasabing pamamaril sa loob ng classroom.

Iniimbestigahan naman na kung paano nakapasok ang baril na dala ng suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay clear na ang lugar, kung saan naroon na rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para iproseso ang lugar, at nasa ligtas nang kalagayan ang ibang mga estudyante.