Arestado ang isang 20-anyos na estudyante matapos makumpiskahan ng marijuana at mga bala ng baril sa loob ng isang pribadong paaralan noong Agosto 24, 2026 sa Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mar”, residente ng Brgy. Ngarag, Cabagan, Isabela.

Nahuli ang suspek ng babaeng security officer habang nagsasagawa ng routine inspection sa pedestrian entrance ng paaralan bandang alas 11:56 ng umaga sa Balzain Highway, Brgy. Centro 12.

Nakumpiska sa kanyang backpack ang dalawang pirasong pinaniniwalaang marijuana na may timbang na 1.78 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P213, isang glass tube na hinihinalang may residue ng marijuana, at walong live ammunition ng kalibre 9MM.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station ang suspek habang ang mga ebidensya ay nakatakdang iturn-over sa PDEA RO2.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 (Section 11 at 12) at RA 10591.