Napatay sa pamamaril ang radio technician na si Dennis Pido, 56-anyos, matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang papasok sa trabaho sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo si Pido nang sundan at pagbabarilin ng mga salarin na sakay rin ng isa pang motorsiklo.

Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakarekober ang mga imbestigador ng apat na basyo ng bala at isang deformed bullet sa pinangyarihan.

Mahigit 30 taon nang nagsilbi si Pido bilang technician ng Notre Dame Broadcasting Corporation (NDBC).

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang pamunuan ng istasyon ng agarang hustisya habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation at imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at mga responsable sa krimen.