
Pumanaw na ang dalawang pilotong sakay ng bumagsak na SF-260 trainer aircraft ng Philippine Air Force sa Sitio Cabuyao, Poblacion, Tuba, Benguet kahapon ng umaga.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco , nagdadalamhati ngayon ang PAF sa pagpanaw ng dalawa nilang piloto.
Nangyari ang insidente alas-10:30 ng umaga habang nagsasagawa ng navigation training flight ang aircraft.
Isa ito sa sampung eroplano na lumipad mula Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas patungong Baguio City.
Kaagad namang nakipag-ugnayan ang PAF sa mga local government unit at pinakamalapit na air base para sa agarang responde matapos ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ang PAF upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.










