
Nasawi umano ang dalawang Filipino seafarers matapos masangkot ang barko nilang SIDR sa isang “security incident” habang naglalayag sa Strait of Hormuz noong Agosto 31.
Ayon sa Saudi shipping company na Bahri, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay ng insidente, ngunit hindi pa nagbigay ng karagdagang detalye.
Nauna nang iniulat ng maritime security agency na UKMTO na isang tanker ang tinamaan ng tatlong hindi pa nakikilalang projectile habang palabas ng Strait of Hormuz.
Ilang barko na rin ng Bahri ang napaulat na inatake sa nakalipas na mga buwan.










