Inaasahang boboto sa 2025 national at local elections ang nasa 20 milyong Pinoy na kasama sa Generation Z, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang mga ipinanganak sa pagitan ng 1997 at 2012 ay pasok sa Gen Z category.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, mahalaga ang boto ng mga kabataan sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan.