TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong frustrated murder ang isang lalaki matapos saksakin nang nakainuman sa bayan ng Abulug, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang biktima na si Joseph James Leaño, 21-anyos at ang suspek na si Alfredo Grande habang nag-iinuman sa isang binyag sa Brgy.Canayun sa nasabing bayan.

Dahil dito, sinuntok ng biktima sa mukha ang suspek.

Kinuha naman ng suspek ang kanyang patalim at sinaksak ang biktima sa kanyang dibdib.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima habang hawak na ng pulisya ang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na dati na umanong may alitan ang dalawa dahil laging ipinagyayabang ng suspek na siya’y galing sa kulungan.