
Nakauwi na sa Pilipinas ang 22 Pilipinong seafarer matapos ma-repatriate kasunod ng missile attack sa kanilang sinasakyang barko sa Black Sea sa Ukraine.
Sakay ang mga seafarer ng Liberia-flagged bulk carrier M/V Antonia S nang tamaan ito ng missile noong Agosto 19 habang nakadaong sa Chornomorsk, Ukraine.
Matapos ang insidente, inilikas ang mga Filipino crew at pansamantalang nanatili sa Chornomorsk Port habang inaayos ang kanilang pag-uwi.
Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Linggo at binigyan ng financial assistance mula sa DMW AKSYON Fund.
Sasailalim din sila sa medical at psychological assessment upang matugunan ang kanilang kalagayan matapos ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --










