Nagulantang ang flag ceremony sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City nang pagbabarilin ng isang dating barangay tanod ang punong barangay at tatlong barangay opisyal.

Patay ang punong barangay at dalawang kagawad, habang sugatan ang isang Sangguniang Kabataan secretary na kinailangang operahan.

Ayon sa ulat, biglaang lumabas ang suspek at pinuntirya ang mga biktima, kabilang ang isang kagawad na tumakbo pero nahabol at binaril din.

Matapos ang insidente, umuwi ang suspek at binaril sarili, pero nawawala umano ang kanyang baril.

Ayon sa pulisya, posibleng paghihiganti ang motibo dahil tinanggal siya sa tungkulin at hindi na nabigyan ng sahod dahil sa kanyang sakit na diabetes.

-- ADVERTISEMENT --

Pinaniniwalaan ding hinanap ng suspek ang barangay treasurer matapos ang pamamaril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung sino ang nagtago ng baril na ginamit.