TUGUEGARAO CITY-Umabot na sa 30 tricycle drivers dito sa lungsod ng Tuguegarao ang nahuli ng kapulisan na naniningil ng sobra at namimili ng pasahero.

Sa naging panayam kay Lt. Col. George Cablarda, hepe ng PNP-Tuguegarao, nagsagawa ng operasyon ang kanilang hanay laban sa mga tricycle drivers matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga commuters sa ginagawang sobrang paniningil at pamimili ng mga driver lalo na ngayong nakakaranas na ng pag-uulan.

Ayon kay Cablarda, simula noong nakarang linggo may mga pulis na nakakalat sa lungsod na nakasibilyan at nagmamatyag sa mga tricycle drivers.

Kaugnay nito, sinabi ni Cablarda na kinuha ang mga drivers licensed ,nagbayad ng kanilang multa at nabigyan ng babala ang mga nahuling tricycle drivers.

Samantala, nanawagan si Cablarda sa mga tricycle drivers na tigilan na ang pananamantala sa mga pasahero at ang pagiging abusadong drivers.

-- ADVERTISEMENT --