TUGUEGARAO CITY-Sinisiguro ng 503rd Infantry Battalion,Philippine Army ang kaayusan at katahimikan sa nasasakupang lugar para sa gaganaping 2019 midterm election ,bukas.

Ayon kay Col. Henry Duyawen, Brigade Commander ng 503rd IB,Philippine Army,nakakalat na ang kanilang tauhan katuwang ang PNP sa mga polling centers sa Apayao,Kalinga at sa lahat ng nasasakupang lugar.

Sa ngayon ,sinabi ni Duyawen na walang nakikitang problema sa lugar at kontrolado narin umano ng PNP- Conner, Apayao ,na unang naipabalita na nagkatutukan ng baril ang mga tauhan ng mayoralty candidate matapos magkasalubong ang kanilang convoy.

Samantala , hinikayat naman ni Duyawen ang publiko na agad ipagbigay alam sakanilang hanay kung may mga namomonitor na mga kandidato na bumibili ng boto para agad na matugunan.

-- ADVERTISEMENT --