Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang pitong pulis na dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa dokumento mula sa Directorate for Personnel and Records Management, kasama sa sinibak sa pwesto ang noo’y cash evidence custodian na si Police Lt Col Joey Arandia at 6 nyang mga tauhan.

Dahil sa pagiging guilty sa administratibong kaso na Grave Misconduct, Grave Dishonesty, at Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Batay sa report, October 2024 pa nangyari ang operasyon ng CIDG sa One Bataan Compound sa Bagac, Bataan para maghain ng search warrant sa paglabag sa Anti traffciking act of 2003.

Nakuha sa operasyon ang P141 Million na pera.

-- ADVERTISEMENT --

Maklipas ang mahigit 1 taon naglabas ng omnibus order ang Korte para isauli ang pera para magimit na ebidensya sa kaso.

November 20, 2025 nang ibalik ng mga operatiba ng CIDG ang pera pero kulang ito ng mahigit P13 Million.

Napag-alaman din na pinalitan nila ng boodle money ang pera para magmukang kumpleto ang pera.