Umabot sa 70% o 14 sa 20 suspek na naaresto ng Philippine National Police Women and Children Protection Center dahil sa online sexual abuse and exploitation of children o OSAEC mula Enero hanggang Agosto 2026 ay mga ina.

Ayon sa PNP, mas mataas ito kumpara noong 2025, kung saan 32 sa 50 naaresto o 64% ay mga ina. Sinabi ni WCPC chief PBGen. Maria Sheila Portento na nakababahala rin ang pagiging mas bata ng ilang suspek, na nasa edad 23 hanggang 35.

Kabilang sa mga nakikitang salik sa OSAEC ang kahirapan, malawak na internet access at madaling paggamit ng online payment channels.

Sa pamamagitan naman ng Philippine Internet Crimes Against Children Center, 583 biktima na ang nailigtas ng mga awtoridad mula sa operasyon laban sa online child exploitation.