Isang Korean national na 89 anyos ang nagpakamatay umano sa Sitio Lower Bangkay, Barangay Guba, Cebu City noong December 19, 2024.

Ayon sa PNP, nakakaranas umano ng depression ang nasabing biktima dahil sa kanyang sakit, kaya nagpasiya na tapusin ang kanyang buhay.

Kasama ng biktima na si Chung Chai Youn sa kanyang tirahan ang kanyang caregiver sa nasabing lugar.

Sinabi ng PNP, nadiskubre ng caregiver ang biktima na, 10 metro ang layo mula sa kanyang bahay.

May tama sa kanyang dibdib ang biktima, at may nakuha na baril malapit sa kanyang kaliwang kamay.

-- ADVERTISEMENT --

Nadiskubre ang katawan ng biktima ng 1:50 p.m. noong Huwebes at dumating ang mga pulis ng 3:00 p.m.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at nalaman na nagbaril siya ng sarili.

Ayon sa PNP, pinaniwalaan na may depression ang biktima dahil sa kanyang sakit at dati na niyang inihanda ang kanyang kabaong.

Nag-iwan din umano ang biktima ng suicide note sa kanyang caregiver, kung saan nakasaad dito na pagod na siya dahil sa kanyang karamdaman.