TUGUEGARAO CITY-Siyam na militia ng bayan ang kusang sumuko sa pulisya nang isailalim sa General community quarantine (GCQ)ang cagayan bilang pag-iingat sa coronavirus disease (Covid-19).

Ayon kay P/col Ariel Quilang, Director ng Cagayan PNP, ito ay bahagi ng kanilang tuloy-tuloy na kampanya laban sa insurhensiya.

Patunay din umano ito na patuloy na naghihirap ang mga supporters ng New Peoples Army (NPA) kung kaya’t mas minabuti na lamang nilang sumuko sa pamahalaan.

Kaugnay nito, kasalukuyan ng inaayos ang dokumento ng mga sumukong militia ng bayan para sa benepisyo o tulong na maaring makuha ng mga sumukong militia ng bayan mula sa pamahalaan.