Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang siyam na volcanic earthquake sa loob lamang ng 24 oras sa nagpapatuloy na aktibidad ng bulkang Kanlaon.

Batay ang nakuhang datos sa monitoring ng PHIVOLCS mula alas-12 ng madaling araw ng February 21 hanggang 12:00 p.m. ngayong araw.

Bukod sa pagyanig, nai-record din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan at pagbuga nito ng 910 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre.

Umabot naman sa 200 metro ang taas ng plume ng Kanlaon mula sa crater nito habang napapadpad naman sa direksyong timog-kanluran.

Nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 2 ang bulkan kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone.

-- ADVERTISEMENT --