Posibleng magkaroon na ng desisyon ngayong taon sa mga unang kasong may kaugnayan sa flood control scandal na dinidinig sa Sandiganbayan.

Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg, nasa defense stage na ang pinakaunang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman noong Nobyembre 18, 2025.

Sinabi ni Econg na mabilis ang naging takbo ng kaso dahil umabot na ito sa defense stage wala pang isang taon mula nang maisampa.

Kung masusunod ang mga itinakdang proseso sa ilalim ng Speedy Trial Act, posible umanong matapos ngayong taon ang kaso at magkaroon ng desisyon kung conviction o acquittal ang mga akusado.

Ang mga kasong ito ay bahagi ng mga reklamong may kaugnayan sa umano’y mga iregularidad sa flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan at nililitis ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --