
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) na tuloy ang hiring ng teachers sa 2027.
Ito ay kasunod ng mga ulat na wala umanong nakalaang pondo para sa teacher hiring sa susunod na taon.
May P31.220 billion na pondo para punan ang 64,530 authorized teaching positions—31,614 dito ang existing vacancies, habang 32,916 naman ang bagong posisyong inaprubahan noong Mayo.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, dapat mapabilis ang hiring at deployment ng mga kwalipikadong guro, lalo na sa mga paaralang nangangailangan ng dagdag na teaching personnel.
Samantala, may P7.582 billion ding nakalaan para sa substitute teachers upang matiyak na magpapatuloy ang klase kung pansamantalang wala ang regular na guro.
Nilinaw naman ng DBM na hiwalay sa 64,530 positions ang 14,274 karagdagang teaching positions na hiniling ng DepEd para sa 2027.









