Namataan ng Philippine Coast Guard ang mga Chinese vessels sa Bajo de Masinloc o mas kilala bilang Scarborough Shoal habang namamahagi ng fuel subsidy at mga pagkain sa mga mangigisdang Pilipino noong Huwebes.

Sa isang statement ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Admiral Jay Tarriela, na nakita sa area ang isang People’s Liberation Army Navy (PLA-N) warship, tatlong China Coast Guard vessels, at tatlong Chinese Maritime militia vessels.

Ayon pa kay Tarriela, hinamon pa sa pamamagitan ng radyo ng isang barkong pandigma ng China ang eroplano ng Philippine Coast Guard (PCG) na Piper Navajo.

Kung saan tumugon naman ang aircraft na ito ay nagsasagawa ng isang legal maritime patrol sa loob ng maritime zones ng Pilipinas, alinsunod sa international law.

Ayon pa kay Tarriela na nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng pagbabantay sa karagatan ng Bajo de Masinloc upang magbigay ng suporta sa nagpapatuloy na Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda na pinangungunahan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

-- ADVERTISEMENT --

Samatala 35 naman na mangingisdang Pilipino ang nakatanggap ng diesel at mga pagkain mula sa Philippine Coast Guard.

Matatandaan na noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas kaugnay ng mga pag-aangkin ng China sa South China Sea, at sinabi nitong ang mga naturang pag-aangkin ay “walang legal na batayan.” Kung saan patuloy pa ring hindi kinikilala ng China ang desisyon.