Nakikiisa ang Pilipinas sa Cambodia at iba pang international partners sa paglaban sa online scams at iba pang transnational crimes matapos nitong pagtibayin ang Phnom Penh Declaration.

Naglalaman ang deklarasyon ng 11 commitments, kabilang ang pagpapalakas ng international cooperation, pagbuwag sa mga criminal network at scam compounds, pagsugpo sa daloy ng ilegal na pera, pagpapaigting ng mga batas, at proteksyon sa mga biktima ng human trafficking.

Dumalo sa International Conference on Combating Online Scams sa Phnom Penh sina Department of Justice Undersecretary Ian Norman Dato at iba pang opisyal ng DOJ at National Bureau of Investigation.

Binigyang-diin ni Dato na mahalaga ang mas mahigpit na koordinasyon ng mga law enforcement agencies, prosecutors at financial intelligence units sa iba’t ibang bansa, lalo na sa pagpreserba ng digital evidence at pag-freeze at pagbawi ng perang mula sa scam para maibalik sa mga biktima.