
Nag-isyu ang Land Transportation Office o LTO ng Show Cause Order laban sa driver ng pickup truck na umano’y nakabangga ng ilang motorsiklo at nagpatuloy sa pagmamaneho bago tuluyang huminto.
Ayon sa LTO, sinundan ng mga rider ang pickup mula Guadalupe hanggang C-5 Road.
Nang huminto ang driver, umano’y naghubad at umihi sa harap ng sasakyan at kalaunan ay sinabi sa traffic enforcer na nakatulog siya habang nagmamaneho.
Napag-alaman ding hindi rehistrado mula 2020 ang pickup truck.
Kabilang sa mga paglabag na iniimbestigahan ang reckless driving, hindi paggamit ng tamang turn signal, pagmamaneho ng unregistered vehicle at pagmamaneho umano sa ilalim ng impluwensiya ng alak o droga.
Inatasan ang driver na magsumite ng sinumpaang salaysay at humarap sa LTO sa Oktubre 13.
Isinailalim din siya sa 90-araw na preventive suspension at ipinag-utos ang pagsuko ng kanyang lisensya.










