
SENSITIBONG BALITA: Arestado ang isang 51-anyos na pastor matapos nitong maakusahan mang-molestiya umano ng tatlong menor-de-edad na babae sa loob ng isang simbahan sa Marikina.
Sa bisa ng warrant of arrest galling sa Marikina City Family Court Branch, dinakip ang suspek sa harap ng isang clubhouse sa Baras, Rizal.
Noong 2023 hanggang 2024 naganap ang umano’y panghahalay ng pastor ngunit naiulat lamang ito noong Abril 2026.
Ayon sa hepe ng Marikina City Police na Pcol. Jenny Tecson, apat na beses na naganap ang insidente sa loob mismo ng kanilang simbahan batay sa reklamo.
Nahaharap naman ang inakusahang pastor sa kasong statutory acts of lasciviousness, na may P432,000 na piyansa.
-- ADVERTISEMENT --










