Isinusulong ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairperson at Manila Representative Joel Chua ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Kamara kaugnay ng tangkang pagpapasok sa Pilipinas ng 521 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon mula Laos.

Ayon kay Chua, mahalagang matukoy ang mga personalidad na posibleng nasa likod ng international drug smuggling operation at malaman kung paano tinangkang ipasok sa bansa ang ilegal na droga gamit ang isang private jet.

Iminungkahi ng kongresista ang pagsasagawa ng public hearing upang marinig ang panig ng mga taong iniuugnay sa insidente at matukoy ang mga posibleng sangkot sa naturang operasyon.