Pasok si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa finals ng floor exercise at vault sa 2026 World Gymnastics Championships na ginaganap sa Rotterdam, Netherlands.

Nakakuha si Yulo ng markang 14.500 sa floor exercise upang pumangalawa sa qualifying round at masiguro ang puwesto sa finals.

Sa vault naman, nagtala siya ng 14.266 puntos na naglagay sa kaniya sa ikaanim na puwesto at nagbigay ng isa pang pagkakataong lumaban para sa medalya.

Nakatakdang idaos sa Sabado ang finals ng floor exercise, habang sa Linggo naman ang finals ng vault.

Sa kaniyang pagpasok sa dalawang event, nananatiling buhay ang kampanya ni Yulo na makapag-uwi muli ng world title.

-- ADVERTISEMENT --

Kasali rin sa qualifying rounds ang kapatid niyang si Karl Eldrew Yulo at ang kaniyang kababayang si Juancho Miguel Besana.