
Nagkaroon ng rapid intensification o tila’y sumabog sa lakas ang bagyong may international name na Champi bago ito inaasahang dadaplis o direktang tatama sa isla ng Guam bukas ng umaga, araw ng Linggo.
Maraming OFW ang nakatira sa Mariana Islands na inaasahang hahagupitin ni ‘Champi’ na tatawaging Rosal pagpasok sa Martes sa PAR ngunit HINDI direktang tatama.
Sa susunod na Linggo ay posibleng makaapekto ang trough o extension ng super bagyo sa eastern portions ng Luzon bago nito inaasahang tutumbukin ang direksyon ng Taiwan at Extreme Northern Luzon sa Huwebes.
Posible pang magbago ang mga datos na ito kaya’t manatiling updated.
Sa mga OFW sa Guam, gawin ang mga kinakailangang paghahanda.
-- ADVERTISEMENT --










