Patuloy na bumubuti ang kalagayan ng tatlong Pilipinong nasugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia noong Oktubre 10, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW)

Ayon sa DMW, isa sa tatlong pasyenteng dating nasa intensive care unit (ICU) ang nailipat na sa regular ward ng burn unit sa isang government hospital.

Posible na ring mailipat sa regular ward ang ikalawang pasyente, habang ang ikatlo ay nasa maayos at stable nang kondisyon.

Sa pinakahuling ulat ng DMW, isa na lamang sa tatlong Pinoy ang nananatili sa ICU, ngunit bumuti na rin ang kalagayan nito at malay na.

Samantala, nauna nang iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pitong overseas Filipino workers (OFWs) ang nasugatan sa mga pag-atake sa Saudi Arabia, kabilang ang tatlong nasa kritikal na kondisyon.

-- ADVERTISEMENT --