Umutang ang Pilipinas ng 1.5 bilyong dolyar o katumbas ng humigit-kumulang 236.64 bilyong yen sa Asian Development Bank upang maibsan ang epekto ng krisis sa Middle East sa mga Pilipino.

Ayon sa Department of Finance, layunin ng programa na matiyak ang sapat na suplay ng gasolina at kuryente, mapanatiling abot-kaya ang pamasahe sa transportasyon, at magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga vulnerable sector.

Saklaw din nito ang pagpapauwi at muling pagsasama sa komunidad ng mga overseas Filipino worker na maaapektuhan ng sigalot.

Samantala, ibinaba ng ADB sa 3.3% ang pagtaya nito sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2026, mula sa naunang 3.8%, dahil sa mataas na implasyon at nagpapatuloy na sigalot sa Middle East na nakaaapekto sa konsumo at pamumuhunan.