Itinanggi ni dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao parliamentarian Sultan Edrieza Rimbang ang alegasyong siya ang utak sa likod ng 521-kilong shabu shipment na nagkakahalaga ng ₱3.5 bilyon na nasamsam sa Laos at hinihinalang nakalaan sa Pilipinas.

Ayon kay Rimbang, wala siyang kinausap sa Pilipinas upang magtungo sa Laos o magdala roon ng anumang bagay na makapipinsala sa bansa.

Nanawagan din siya ng masusing imbestigasyon upang linawin ang mga mabibigat na paratang laban sa kaniya.

Matatandaang itinuro ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isagani Nerez si Rimbang bilang umano’y mastermind sa pagpapadala ng ilegal na droga.

Ayon kay Nerez, hindi lamang umano financier si Rimbang, kundi siya rin ang nagplano sa operasyon at nagpondo sa pag-arkila ng eroplanong ginamit sa pagpapadala ng shabu.

-- ADVERTISEMENT --