
Muling sumadsad sa panibagong record low ang piso matapos magsara sa ₱63.95 ang palitan nito kontra dolyar nitong Lunes, Oktubre 26.
Nahigitan nito ang dating record low na ₱63.615 na naitala noong Biyernes, Oktubre 23.
Ito na rin ang ika-32 pagkakataon ngayong taon na nagtala ng pinakamababang halaga ang piso.
Ayon sa financial analyst na si Rogel Morales, posibleng makabawi pa ang piso, ngunit nakadepende ito sa galaw ng kalakalan at sa patuloy na paglakas ng dolyar ng Estados Unidos.









