Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Oktubre 29, 2026 ang deadline ng paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis para sa Quarterly Value-Added Tax (VAT) at Quarterly Percentage Tax.

Dalawang araw ang karagdagang palugit mula sa orihinal na deadline na Oktubre 26 para sa pagsusumite ng BIR Form No. 2550Q o Quarterly VAT Return at BIR Form No. 2551Q o Quarterly Percentage Tax Return, kasama ang mga kinakailangang kalakip na dokumento.

Ayon sa BIR, ipinatupad ang extension dahil sa pansamantalang hindi pagiging available ng Electronic Filing and Payment System o eFPS.

Pinapayuhan ang mga taxpayer na samantalahin ang karagdagang palugit upang makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento at makapagbayad ng buwis sa itinakdang bagong deadline.