Suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Tuguegarao City simula alas-12 ng tanghali bukas, Biyernes, Oktubre 30, ayon sa Office of the City Mayor.

Layunin ng suspensyon na matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng publiko sa inaasahang pagsisikip ng trapiko dahil sa pagdagsa ng mga papasok at palabas ng lungsod.

Magbibigay-daan din ito sa mobilisasyon ng mga tauhan at kagamitan para sa paghahanda sa sakuna bilang bahagi ng Oplan Undas.

Mananatiling bukas ang mga tanggapang nagbibigay ng serbisyong pang-rescue, pangkalusugan at iba pang mahahalagang serbisyo. Maaari ring magpatupad ng alternatibong work arrangement alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission.