Tinatayang 6.3 bilyong dolyar ang ninakaw ng mga hacker mula sa Binance, ang pinakamalaking cryptocurrency exchange sa mundo, sa isang cyberattack na pinaniniwalaang kagagawan ng North Korea.

Dahil dito, pansamantalang itinigil ng Binance ang withdrawal services at tiniyak na gagamitin ang sariling pondo upang sagutin ang lahat ng pagkalugi.

Ayon sa paunang imbestigasyon, posibleng nagsimula ang pag-atake sa isang na-hack na laptop ng engineer ng kumpanya na nagbigay-daan sa mga hindi awtorisadong transaksiyon.

Nakikipagtulungan na ang Binance sa Federal Bureau of Investigation at United States Secret Service habang natunton na ang tinatayang tatlong bilyong dolyar na halaga ng mga ninakaw na asset.

Samantala, bumagsak ang presyo ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency kasunod ng insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman ng Binance na ligtas ang pondo ng mga customer at gagawin ang lahat upang maibalik ang normal na operasyon ng kanilang serbisyo.