
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nakatanggap sila ng mga tawag mula ng ilunsad nila ang hotline para sa mabilis na paghahanap kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Sinabi ni Lt. Gen. Wilson Joseph Lopez, PNP deputy chief for administration,, na kanilang mahigpit na sinasala ang bawat tawag at bineberepekang mabuti.
Maging ang mga lugar na maaring kinaroroonan nito ay kanilang binabantayang mabuti para agad na maaresto ang senador.
Hindi rin itinanggi ng police opisyal na mayroon silang mga ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mabilis na maaresto ang puganteng Senador.
Bagamat tuloy-tuloy ang manhunt ay mas minabuti ng PNP na sumuko na lamang ang Senador para maiwasan ang anumang engkuwentro.










