Inanunsyo na ng Department of National Defense (DND) bilang ika-61 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ang Commanding General ng Philippine Army na si LtGen. Antonio Nafarrete.

Siya ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kapalit ni Gen. Romeo Brawner Jr. na nakatakdang magretiro kasunod ng kanyang tatlong taong panunungkulan bilang Chief of Staff ng AFP.

Samantala, kasabay nito ay itinalaga rin si Western Mindanao Commander, LtGen. Donald Gumiran bilang kapalit naman ni Nafarrete bilang Commanding General ng Army.

Nagpaabot naman ng pagbati ang DND sa dalawang opisyal sa kanilang bagong posisyon at umaasa sa kanilang liderato na mananatiling may propesyonalismo, may kagalingan at dedikasyon sa pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino.