Nagsagawa ng huling mga campaign rally ang mga kandidato ng Democratic Party at si US President Donald Trump bago ang midterm elections na gaganapin sa Martes, Nobyembre 3.

Inaasahan ng mga Democrat na makakakuha sila ng kontrol sa bahagi ng Kongreso, habang nanawagan naman si Trump ng suporta para sa mga kandidatong Republican sa kanyang talumpati sa Washington.

Batay sa mga inilabas na survey, may malaking posibilidad na makuha ng mga Democrat ang mayorya sa House of Representatives, habang nananatiling mahigpit ang labanan para sa kontrol sa Senado.

Kapag nakuha ng mga Democrat ang House, magkakaroon sila ng kapangyarihang mangasiwa sa mga komite at magsagawa ng imbestigasyon sa mga isyung may kaugnayan sa administrasyon ni Trump.

Samantala, umabot na sa record na 54 milyon ang mga botanteng nakaboto sa pamamagitan ng early voting.

-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang 11 bilyong dolyar naman ang nagastos sa mga political advertisement para sa halalan.